winter solstice (wín•ter sóls•tis) : solstice, karaniwang tuwing 21 Disyembre na hudyat ng simula ng winter sa hilagang hemisphere
solstice (sóls•tis) 1: a isa sa dalawang panahong pinakamalayò ang araw sa ekwador a kung summer solstice, at pinakamahabà ang araw b kung winter solstice, at pinakamaikli ang araw 2: alinman sa dalawang punto sa ecliptic na pinakamalayò sa ekwador
summer solstice (sá•mer sóls•tis) : solstice, karaniwan tuwing 21 Hunyo na tanda ng simula ng summer sa hilagang hemisphere